Tuesday, December 21, 2010

ANG BERDENG TAHANAN


Maulan na umaga sa inyong lahat. Sa ating butihing guro Ginang Imelda Hernandez, sa aking mga kapwa mag-aaral.
Tila kay bilis ng araw di ba?
Parang kelan lang ng umiiyak pa tayo dahil hinahatid tayo ng ating mga magulang sa isang pook na kung saan maraming kwarto, maraming bata na pare-pareho ang kasuotan at tayo ay iniiwan.
Mga gabing nagpupuyat upang maipasa lamang ang isang takdang aralin, di mabilang na pagsusulit.
May kanya-kanyang paboritong asignatura kunin tiyak kong hindi mawawala ang higit na paboritong tunay ang RECESS at UMUWIAN.
Iba’t-ibang paraan para lamang makasilip ng sagot sa harapan, kahit  na leeg ay sumasakit ng lubusan. Mga araw na napapagalitan, mga araw na nahuhuli sa silid-aralan. Mga dahilan para lamang makaliban.
Kayo ba ay natatawa ngunit aminin man natin ito ay ating mga gawain.
Ngunit ako ay lubos na saludo dahil kayo ay nagwagi.
Anim na taon sa elementarya,apat na taon sa hiyskul. Ngunit sa sampung taon kayo naman ay nagwagi.
Ngunit ang laban ay di pa tapos umpisa palang ito ng tunay na yugto, yugto ng isang tunay na laban ng mag-aaral.
Sa susunod na taon kayo ay my bagong laban nanaman. Mas madilim mas matinik. Nakapag-isip ka na ba kung saan mu ito ilalagi?
Maraming lugar, iba’t- ibang katawagan. Ngunit ako ay may mungkahi.
Pook na lutian, sa pagbibigay ng edukasyon tiyak kong sila ang number one. Di man perpekto ngunit sa pag-aalaga ay totoo. Hindi lang kapamilya, kundi kapuso at kapatid pa.
Berdeng pook panatag kang tunay, mga bantay na sadyang nakaantabay mga pangalawang ina’y at ita’y laging nakaagapay.
At sa dame ng asignatura tiyak na kayo ay makakapili ng tunay. May iba’t- ibang katawagan dahil ito ay nababatay sa kasalukuyan.
Mga pandagdag kaalaman laging nandyan gamitin ng walang kasawaan. Ngunit babala lamang huwag pasaway ng hindi ma-warningan dahil mga mata ay nandyan lamang, sumunod na lamang sa patakaran.
Laitin man kami ng harap-harapan ngunit kami ay dedma lamang dahil may prinsipyo at pangalan kaming iniingatan.
Mga estudyante kahit na mayayaman ay sadyang magalang na tunay dahil hindi lamang sa asignatura kami tinuturan pati sa asal na magagamit namin habang buhay.

Kayo ngayon ay aking mungkahi DE LA SALLE COLLEGE OF SAINT BENILDE ay bisitahin. 


This is really a junk post,,I made this speech in able to past my FILIPINO subject,, I just post it to my blog to remind me that i did something like this..:))

No comments:

Post a Comment